Isang gabi galing kami ng misis ko sa byenan ko, may naamoy nako na patay na daga. malapit kasi sa kanal kami naka park kaya kala ko may tinapon na daga dun. So nagmadali nalang kami sumakay sa sasakyan at humarurot. Wala naman amoy sa loob ng sasakyan kahit bukas aircon.
Pero nung umuwi na kami andun pa rin ang amoy! Kaya may hinala ako na "something fishy".
Pagbukas ko sa hood.....WAPAK! PATAY NA PUSA SA RIGHT SIDE NG ENGINE!!!
WTF!
Kaya yun pinakuha ko kay inday (she is my hero) yung pusa na medyo may konting uod na!
At yung dugo ng pusa ay dumaloy na sa ilalim ng gulong!!!
MADAPAKA!!!!
Sobrang sangsang ng amoy at muntik na akong masuka!
Nagpakuha ako ng tubig na may sabon sa timba at pinalusong ko kay inday para punasan . Ang tarantadong pusang yan sa may malapit sa electric box pa namatay kaya doble ingat na huwag mabasa.
Napansin ko may mga wisik na dugo na natuyo sa may gilid sa loob ng kaha at ayaw na matanggal!!! Kahit anong punas ng basahang may sabon ayaw parin!!
Dahil gumagabi na ay winisikan ko ng lysol at nilagyan ko ng uling sa tabi ng makina para sana ma-absorb yung malupit na amoy.
Kinabukasan medyo may konting wapak parin pag binuksan ang hood. Kaso wala palang carwash na bukas para magpalinis kasi holy week at si inday day-off!!! WWAAAAAAAA!!!!!!!
Kaya sariling kayod!!! Hindi parin matanggal ang natuyong dugo at nilagyan ko na ng joy para matanggal ang amoy kaso may konti parin.
Upon investigation, sabi ng kapitbahay ko na si scott (british sya), sa kabilang bahay daw yung pusa na nakita niya nung isang araw "They are trying to revive that cat and it is in pretty bad shape, maybe it looked for a warm place and went to your car and died!" Holy Mama!
Maaring tama ang britton kong kapit bahay kasi walang sign of struggle sa loob at maayos parin ang mga wirings, buti na nalang.
Ngayon ang poblema ko kung pano matatanggal ang amoy at yung natuyong dugo. Sana kayanin ng uling at in due time mawala yung amoy. Sabi naman sa net malamig na tubig daw katapat ng natuyong dugo sa aluminum kaya susubukan ko mamayang gabi.
Moral of the story...always check your hood every morning before leaving baka may pusa diyan na nagpapalipas ng gabi. Lalo na kung maluwag pa sa may makina tulad ng innova.
Isang lang ang masasabi ko PUSANG GALA!!!!
