Re: Nissan Sentra '98 model won't start
Nangyari sakin yan last week. Medyo five days ko hindi nagamit yung sentra 2003 ko. As in di ko talaga na start or napainit man lang sa five days na yun. nung sixth day, start ko siya nung umaga at nilipat ko sa kabilang parking namin. Bale, di pa umiinit yung makina pinatay ko na agad. pagbalik ko na bahay ng 7th day, nag start naman agad pero namatay din. pina check ko sa mekaniko, na-foul yung spark plugs. apparently, may mga fuel injected cars na pag matagal mo hindi ginamit na fofoul yung plugs. Nangyayari lang iyon kapag na start mo na siya at ginalaw mo yung car at pinatay yung makina ng hindi pa mainit. May naiiwang unburned fuel sa plugs. Kaya ayun, ininit lang yung plugs oks na. Kinabukasan, pumunta ako sa shop at bumili ng platinum plugs. hehe.
|