surplus front shock absorber
tanong lang po sa mga experts. nagpapahanap po kasi ako sa pinsan ko ng surplus front shock absorber sa banawe para makamura, marami naman po syang nakita kaso ang sabi sa kanya ng mekanikong kausap nya kung magpapalit nga ako ng shock absorber ay dapat yung brandnew na. kasi d rin daw tatagal ang mga surplus, abot lang daw ng mga 3 to 4 months then palit ka na naman daw. totoo po ba yun? kung totoo po, baka may marerekomenda kayong auto supply na makakamura ako dito sa bandang biņan, laguna. maraming salamat po.
|