Hi to all fellow Avanzers, and Tsikoteers as well.
Need your expertise and advise on this matter.
Our Avanza J model was just purchased January 21st of this year.
Hindi ko pa siya nalusong sa baha nor nabasa ang interior/carpet.
Pero pag-in-ON ko yung aircon sa 2nd row, may naamoy na hindi pleasant ang mga sakay ko. Parang damit na hindi natuyo ng tama, or parang basang basahan na hindi nalabhan.
Sa harap (driver's row) naman ay wala namang masamang amoy.
May car freshener naman din kaming gamit. Although leatherrete seat cover ang gamit ko, dun talaga sa aircon galing ang amoy e.
Help naman po kung ano ang dapat kong i-check.