Bago po ako bumili ng VAN nag search muna rin ako ng mga forums about Grandia and Grand Starex. Theres always Positive and negative feedbacks about the two Vans. Starex mas malakas talaga ang makina, and Grandia for me tama lang. Ang napili ko pa rin po ay GRANDIA kasi ang tiningnan ko rin ay ung space ng loob kahit puno ang 9 na upuan sa likod maganda pa rin ang ride and very smooth ang takbo, at isa pa hindi kelangang tumayo ng nasa second and first row para lang makalabas ung nasa 3rd row kasi merong space para madaanan sa gitna. Sa Grand Starex kelangan mo pa rin e fold ung seats para makalabas ung nasa likod.
And after comparing the two Vans, I decided to buy GL Grandia. Pero pinagpilian ko rin ang GL GRANDIA and SUPER GRANDIA. Ang Price ng GL GRANDIA ay 1.420M and SUPER GRANDIA 1.790M bale 370k ung kamahalan ng Super Grandia, same lang naman ng Space at laki ng body. Ang SUPER GRANDIA Automatic Transmission, Two Sliding doors, Captain Seats, DVD player, backup sensor, fog lamps and two headrest Monitor. Para sa akin same din lang naman ang space at laki kaya GL Grandia ung pinili ko, mas gusto ko Manual transmission para mas control ko ung hataw ng makina, and for safety ng mga anak ko isa lang sliding door mas okay. Ung 370k madami ka na mabibili na accesories. At ung both side ng 2007 Grandia ay fixed glass na wala na syang sliding window kaya mas lalong safe sa mga bata, isa pa mas maganda ang porma.
visit and watch my hi ace video, added accesories for my GL GRANDIA.