2nd hand na ATUO, ano marerecommend nyo? plano namin kumuha ng asawa ko ng 2nd hand na AUTO sa budget na 150-200k, ano ang brand na pwede naming kuhanin sa 96 up model? yung matipid sana sa GAS hangga't maaari, at ok ba kumuha sa mga display(yung mga 2nd hand na binebenta like sa AUTOMALL)? or mas ok makabili sa owner mismo ng AUTO? sana mabigyan nyo ako ng magandang diskarte sa pagbili ng 2nd hand na AUTO,
For your budget, ang maganda bilhin Corolla bigbody na XE, low maintenance at tipid sa gas. Mas maganda bumili sa owner mismo kesa sa mga car exchange, daming loko sa mga car exchange.
Try browsing around tsikot and yehey. There are a number of cars in your price range. I recommend Honda civic and Toyota corolla, from first owners. Marami nang parts and second hand accessories available if ever that you will need them.
Just saw in another thread somebody advertising a 98 civic LXi MT. Negotiable pa daw. You may want to check it out. Tsikoteer name: basti08. Ito ung post nya "FS: 98 Civic LXi MT all stock, black P200thou neg 09167872556"
Honda 98 civic LXi MT, di naman sya malakas sa gas? Ang gusto ko talagang brand ng Auto ay HONDA o TOYOTA kasi nakikita ko mataas ang market value ng mga sasakyan na ito. Sa Honda ok din ba ang CITY na model 97? sa Toyota bukod sa XE, ano pa ang ok?
2nd hand na ATUO, ano marerecommend nyo? plano namin kumuha ng asawa ko ng 2nd hand na AUTO sa budget na 150-200k, ano ang brand na pwede naming kuhanin sa 96 up model? yung matipid sana sa GAS hangga't maaari, at ok ba kumuha sa mga display(yung mga 2nd hand na binebenta like sa AUTOMALL)? or mas ok makabili sa owner mismo ng AUTO? sana mabigyan nyo ako ng magandang diskarte sa pagbili ng 2nd hand na AUTO,
TIA,
at 150k-180k (tama, itabi mo yung 20k for repairs) and 96 up, the best and logical choice would be:
the big body XE
lancer itlog GLi
sentra series III
sentra LEC
mas ok bumili sa owner direcho. mas mataas ang pricing, imho ng car dealers. tapos dito ka na lang sa tsikot kumuha.
Oic, dami nga po ako nakikita sa ads dito kaso mo ang problema gusto ko sana makakuha sa financing pero 2nd hand kasi para may mapaikot pa din kami sa aming negosyo. mahirap kasi kapag natodo ang pera ng sagad-sagad. san kami pwede kumuha ng financing na member din dito sa tsikot para trusted if ever?
If you plan to be doing a lot of kilometers per week with your car... you can save more money by converting the car to use auto-LPG. It just depends on how many kilometers you will typically do in a given week or month.
Oic, dami nga po ako nakikita sa ads dito kaso mo ang problema gusto ko sana makakuha sa financing pero 2nd hand kasi para may mapaikot pa din kami sa aming negosyo. mahirap kasi kapag natodo ang pera ng sagad-sagad. san kami pwede kumuha ng financing na member din dito sa tsikot para trusted if ever?
financing c/o tsikot members? wala akong alam dito eh. pero pwede mo sigurong utangan si niky, si karlbo, si mazdamazda, si hens o kaya si odell... daming pera nung mga yun eh.... hehehehehe.
pero seriously. i don't think you can finance a car which is more than 10 years old (via banks). ang alam ko, 10 years lang max ang pwede mong i-finance eh.
why not just get a personal loan (c/o BDO or PSBank) and use that to get your car. Yun nga lang, laki ata ng interest dun.
imho, if you are getting a car which is more than 10 years old, better use cash. kasi if you are going to finance that, talo ka na dahil depreciated na yung car. so after mo matapos yung financing, sobrang baba na nung value nung oto mo.
Honda 98 civic LXi MT, di naman sya malakas sa gas? Ang gusto ko talagang brand ng Auto ay HONDA o TOYOTA kasi nakikita ko mataas ang market value ng mga sasakyan na ito. Sa Honda ok din ba ang CITY na model 97? sa Toyota bukod sa XE, ano pa ang ok?
I previously owned a Honda Civic 98 and a Toyota XE. If the choice boils down to these 2 cars, I'd go for the Civic. The Civic's fuel consumption isnt that much compared to the XE and its got more power vs the XE. I also liked the suspension of the Civic better.
Ah ok, meron po kasi kami natanungan dito sa may Imus Cavite na pwede financing. mga model 96 up ang pagpipilian, pero bago talaga ako kumuha talagang nagtanong-tanong muna at nagpapasalamat ako na merong forum na ganito at mga expert talaga yung mga nakatambay sa forum na ito. maganda ang mga binibigay nyo na payo, more power sa bumubuo ng forum na ito at madalas tatambay ako dito lalo na kapag nakakuha na ako ng auto. More POWER TSIKOTEER!
OT.
Yung may mga problema pagdating naman sa Cellphone, pwede nyo ako tanungin kasi yan ang linya ko!
hehehe... kapag meron ka gusto ipaopenline lalo na at easy lang pwede kita tulungan. salamat sa mga payo nyo, basta tatambay ako madalas dito sa forum na ito!