mga kabayan magandang umaga, hapon o gabi sa inyo, bago lang po ako d2 sa tsikot and find out na very helpful ang mga tao d2, sana po hingi lang ako ng advise kung ano ang magandang pang hanapbuhay dyan sa atin Jeepney or Van po?, kasi i value my money na sana hindi na ko babalik d2 sa saudi hirap po kasi d2, want to spend time nman po sana sa family kaso hindi nman po kalakihan ang maiiuwi kong pera tama lang po pang second hand, mga hanggang 250T lang po, pahabol na tanong po, kung sakaling Van anong klase po kasi wla akong alam sa sasakyan when it comes to durability ska kung ano po ang matipid sa gasolina, pasensia na po sa madami kong tanong, paunang pasasalamat mga kabayan!
sa tingin ko mas ok yung van or auv/L300FB for shuttle service. ito'y kung ang pakay mo e yung sasakyan mismo ang panghanap buhay (hindi panghakot or deliver). for example, yung san mateo-makati na byahe, 55/pax x 14 pax/trip, lalabas 715 (less 1 pax for the contri sa coop) per trip. make it 4 trips per day (2 sa umaga, 2 sa gabi), makaka 2,860 gross per weekday. on weekends, pwende mong ipa-van for rent para sa mga mag-outing or lipat-bahay (sa mga kaunti ang gamit). so mas flexible to kesa jeepney. IMO. good luck!
Mas kumportable at safe ka pa habang nagtatrabaho (assuming you will be the one driving).
Mga diesel na Hyundai Grace ay magandang balance between budget and comfort. Licensed version siya ng L300 Exceed so yung parts halos lahat Mitsubishi.
__________________ [Only registered and activated users can see links. ]
mga sir maraming salamat sa mga reply nyo, ngayon isa nlang ang iisipin ko VAN na lang, sa Sta Rosa Laguna po ako nakatira kung sakali d2 ko po ipapasada, pede pa po ba mag add ng tanong? samantalahin ko na po... kasi nalilito po talaga ako ang hirap kasi magdesisyon na kung hindi nako babalik ng saudi eh bka nman po bumigay ung segunda manong bibilin ko. Kung bago nman sasakyan po eh pede akong magsakripisyo ng isa pang kontrata para makatulong sa paghuhulog. kung sakali po ano po ang magandang kunin kong VAN? ang ibig ko pong sabihin ng maganda eh ung matipid po sa gas at matibay yung hindi nman po masakit sa bulsa pag nasira, maraming salamat po sa lahat
Kung tight po sa budget Hyundai H100/Grace po ang kunin nyo sa maintenace po mababa lang at maraming piyesa kasi parehong-pareho ang piyesa nito sa L300. Matibay din ang pang-ilalim nito. Pero kung kakasya ang budget mo sa Hi-ace, sa Hi-ace ang boto ko.
van. dami for sale na h100 sa mindanao avenue sa quezon city, nasa 220k-250k ang price depende sa year model. mas malaki kita sa van-for-hire kesa sa jeepney, di ka pa pagod. at di mo pa kelangan kumuha ng franchise sa lintek na ltfrb.
payong kapatid!, i-negosyo mo na lang..umuwi muna kayo at tignan mo kung ano ang pwedeng pagkakitaan sa lugar ninyo.(Sta.Rosa Laguna)..
parang wala pa akong narinig na yumaman sa Jeep or Van? maybe last 10-15 yrs ago (di masyadong matraffic noon).
share ko lang sa mga kababayan natin sa abroad...
Business ko "pinoy grocery" sa abroad..lagi ko naririnig yung mga kababayan natin na "nakaipon na ako ng pambili ng Jeep,Tricycle or Fx".
pag may nagtatanong sa akin ,eto lagi ang sagot ko.
Kung 2nd hand ang bibilhin ninyo..bago mo mabawi yung puhunan..yung kinikita ninyo pang-araw-araw mapupunta lang sa repair..baket? alam naman natin na ang mga 2nd na sasakyan d2 sa atin panay laspag na.lalo na ang mga Jeep,Tricycle & FX..
kung brand new naman ang bibilhin ninyo..downpayment ang kalahati..yung kalahati kukunin ninyo sa pag-papasada? bago ninyo mabuo yung bayad sa kalating utang ninyo..laspag na yung sasakyan..baket? sa sama ng kalye natin dito, takaw aksidente (dahil sa haba ng oras ninyo sa kalye at sa dami na walang disiplina na driver). mas malaki ang "risk" ninyo na maaksidente..keysa sa mga private vechicles..
ang negosyo sugal yan..may panalo, may talo din..pero sa business, mas malaki ang chance na yumaman kayo. keysa mag-jeepney, or Van kayo..