Mga Bro,
Patulong naman kung parehas lang ba ng makina( 4D56 ) na katulad sa L-300 van ang Hyundai Grace '96 model di ko sure kung ito talaga yong actual na modelo nya mine kasi e' yong medyo round na yong body at headlights nya ay pahaba na ( singkit ) . May nakita kasi ako sa ibang thread na nag-bigay na Workshop Manual ng 4D56 , sayang naman kasi mukhang may pag-kakahawig yong nasa manual ang makina ng hyundai grace e' baka magamit as reference yong manual.
so sir otep pwede ko gamitin yong workshop manual?? Pero kelangan ko siguro dalhin yong sample like fan belts etc. kung bibili ako ng replacements,
THANK'S!!!
Kung kailangan mo ng parts meron akong nabibilhan mga hyundai parts for garce sa pasay sa ilalim ng lrt, from edsa right turn sa taft ave. Store name goodgear.
Mas gusto ko pang nakakakuha ng automotive-related texts kaysa dun sa text na pinapadala ng hospital (updates, etc.).
(Medyo OT)... paano mag text sa you yung Ospital? "Doc Otep, ilang litro ng dugo dapat ilagay namin sa pasyente mo kanina?" tsaka "saan makakabili ng surplus na puso at paa". :P
Kung kailangan mo ng parts meron akong nabibilhan mga hyundai parts for garce sa pasay sa ilalim ng lrt, from edsa right turn sa taft ave. Store name goodgear.
raine,
Di ba halos parehas naman sila ng makina ng L-300 pwede ba yong parts nya pag-wala akong mabili na pang-grace. Kasi medyo malayo me e' dito pa kasi ako sa cavite.
pwede rin ang ibang parts na pang l300. yung iba pag wala akong mabiling parts na hyundai or malayo ang pinagagawaan ko mitsu parts ang pinalalagay ko , like timing belt. Sa cavite meron ding nabibilhan na parts along aguinaldo between sm bacoor ang st. dominic hospital, hindi ko masyadong tanda ang name parang blue joy.
thank's Raine! , di pa namn ako nakka-encounter sa ngayon ng major problems/replacement sa engine ko but iwill look doon sa sinabi mo dyan sa may bacoor kung saan may mga bilihan ng mga parts in case na mangailangan ako.